Skip to main content

Public alert system transitions to Everbridge (Tagalog)

Ang Washington Country ay lilipat sa isang bagong sistema ng pag-aalerto sa emergency upang umalinsabay sa estado.
News article
Release date: 10/20/2021

Public alert system transitions to Everbridge

Sa Oktubre 25, lilipat ang Washington County sa isang bagong sistema ng pag-aalerto sa emergency na tinatawag na Everbridge. Hinihikayat ng County na ang mga indibidwal ay magsign-up.

Upang tiyak na masabihan ang mga miyembro ng komunidad sa panahon ng emerhensiya, hinihikayat ng Washington County ang mga indibidwal na magsign-up para sa mga alerto ng emergency sa pamamagitan ng bagong sistema ng pag-aalerto, ang Everbridge.

Sa pamamagitan ng Everbridge, ang mga ahensya at kapareha ang unang rumeresponde sa buong county o sa mga tukoy na apektadong kapitbahayan. Ang mga indibidwal na nagsign-up ay makakatanggap ng mabilis na alerto at kritikal na impormasyon sa mga sitwasyon tulad ng masamang panahon, kritikal na pagkawala utility tulad ng kumukulong tubig, nawawalang tao, paglikas at iba pang mga sitwasyon ng kaligtasan ng publiko.

Kapag nagsign-up, maaaring piliin ng mga indibidwal kung paano nila nais matanggap ang sensitibong impormasyon sa tamang oras kasama ang telepono sa bahay, cell phone, email address, sa pamamagitan ng text message at iba pa.

Sa pamamagitan ng paglipat sa sistema ng pag-aarlerto ng Everbridge, ang Washington County ay sasali sa OR-Alert (https://oralert.gov/), ang alerto sa buong estado at programa ng babala. Ang OR-Alert ay naglalayong matiyak na ang lahat ng mga taga-Oregon ay maaaring makatanggap ng mga kritikal na babalang pang-emergency, anuman ang county na kanilang kinaroroonan. Ang OR-Alert ay nagbibigay din sa mga unang tumutugon ng isang malakas na paraan upang mabilis na maipadala ang naka-target na impormasyong pang-emergency sa mga komunidad na may nagbabantang panganib tulad ng mga sunog at baha.

Ang pagtanggap ng mga alerto sa emergency ay nagbibigay sa iyo ng lakas upang mabilis na kumilos. Maaaring iligtas nito ang iyong buhay at ang buhay ng iyong mahal sa buhay. Madaling magsign-up para sa mga alerto ng emergency: https://www.publicalerts.org/signup

Mga katanungang madalas itanong para sa mga may-ari ng CodeRED account:

Nakatira ako sa Washington County at dati ko nang nailagay ang aking impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Kailangan ko bang gawin ulit iyon?

Oo. Maraming tao sa Washington County ang nagdagdag ng kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnay sa CodeRed, ang lumang sistema ng pag-aalerto sa emergency sa County. Sa kasamaang palad, walang maaasahang paraan para mailipat ang impormasyong ito sa bagong sistema, kaya kakailanganin mong gumawa ng isang bagong account sa Everbridge at muling ilagay ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnay. Madali ang prosesong ito at tatagal lamangng limang minuto.

Bakit binabago ng Washington County ang kanilang sistema ng pag-aalerto sa emergency.

Ang Everbridge ay ang sistemang ginamit ng OR-Alert, programang pag-aalerto at babala sa buong estado ng Oregon. Ang pagiging bahagi ng isang sistema sa buong estado ay nangangahulugang makakatanggap ang mga indibidwal ng mga alerto kung lilipat sila sa ibang mga parte ng estado. Pinapayagan din nito ang mga ahensya ng pampublikong kaligtasan na mabilis at madaling maipadala ang mga mensahe para sa mga insidente ng emergency na kabilang ang mahigit sa isang county.

Bakit hindi mailipat ang aking impormasyong pang-emergency sa bagong sistema?

Walang paraan upang matiyak na ang impormasyon sa pakikipag-ugnay mula sa CodeRed ay magagamit kapag inilagay na ito sa bagong sistema. Ang pagdagdag ng hindi magagamit na mga contact ay maaaring makapagpabagal sa proseso ng pag-aabiso habang may mga emergency. Sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagong account, makasisiguro ang Washington County na ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa emergency ay kasalukuyang at maaabot ang mga tamang tao. Pinapayagan din nito ang mga gumagamit na madaling mai-update ang kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnay kung may nagbabago at upang pumili ng mga kagustuhan para sa mga uri ng alerto na matatanggap.

Ano ang mangyayari sa impormasyong inilagay ko sa lumang sistema?

Ang lahat ng mga indibidwal na account, kabilang ang mga address, email, at bilang ng telepono, ay tatanggalin lahat mula sa lumang sistema.

Media Contact:

Alita Fitz, Emergency Management Coordinator
503-846-7588
[email protected]