Posted
Sponsored by: Board of County Commissioners Department
Ang County ng Washington ang una sa estado na nagbawal ng mga may flavor na produkto ng tabako
Makaraan ang mga linggo ng pagbibigay ng testimonya ng publiko at opinyon mula sa mga pampublikong opisyal sa kalusugan, pinawalang-bisa ng Board of County Commissioners (BCC) ang lumang Ordinance 599 at pinalitan ito ng mga bagong panuntunan na nagsasama ng pagbabawal sa mga retail na pagbebenta ng anumang may flavor na produkto ng tabako, kabilang ang mga menthol cigarette, may flavor na synthetic na nikotina at inhalant delivery system na gaya ng mga e-cigarette, e-cigar, vape pen at e-hookah na mayroong lasa o amoy na bukod pa sa lasa o amoy ng tabako.
Noong Nobyembre 2, ipinasa ng BCC, na kumikilos bilang Lokal na Awtoridad sa Kalusugan ng Publiko para sa County ng Washington, ang Ordinance 878 kung saan tatlong miyembro ng lupon ang bumoto nang pabor dito at dalawa ang bumoto nang tutol dito. Batay sa mga natuklasan na nagsasaad ng patuloy na pagiging malaking banta sa kalusugan ng paggamit ng tabako ng mga kabataan, magsisilbing daan ang ang pagkilos ng Lupon upang:
- Ipagbawal ang pagbebenta ng anumang produkto ng tabako o synthetic na nikotina sa sinumang wala pang 21 taong gulang,
- Ipagbawal ang pagbebenta ng anumang may flavor na produkto ng tabako o synthetic na nikotina sa anumang retail na establisamiyento, at
- Ipagbawal ang mga kupon, diskwento at pampromosyong presyo para sa anumang produkto ng tabako
Iniaatas din ng mga bagong panuntunan ang mga vendor-assisted na pagbebenta (walang self-service na display) ng lahat ng produkto ng tabako at ipinagbabawal nito ang mga pagbebenta ng tabako mula sa “naililipat na puwesto ng negosyo” gaya ng sasakyan o kiosk. Sa ilalim ng Ordinance 878, ang mga paglabag ay napapailalim sa isang Class A civil infraction na iniisyu ng code enforcement officer ng county. Ilalapat ang ordinansa sa buong county, na sumasaklaw din sa mga panloob na hangganan sa lungsod. Bagama’t magkakabisa ang ordinansa sa Disyembre 2, 2021, hindi ito ipatutupad hanggang sa Enero 1, 2022.
Ayon sa Pinuno ng Lupon na si Kathryn Harrington, “Nabalitaan ng Lupon ang nakaeengganyong ebidensya na dahil sa paghihigpit sa access sa mga may flavor na produkto, nagresulta iyon sa pagkaunti ng mga kabataang gumagamit ng mga nakakaadik na tabako at nikotinang substance gayundin ng mas mataas na rate ng pagtigil. Bagama’t hindi nagkakaisa ang boto, malinaw na narinig naming sumang-ayon ang bawat komisyoner na mapaminsala ang paggamit ng mga tabakong substance at hindi katanggap-tanggap ang mga estratehiya sa marketing na agresibong nagta-target sa sinuman sa ating komunidad—lalo na sa mga kabataan at marginalized na grupo. May kumpiyansa ako na ang hakbang sa pagsulong na ito, kasabay ng paglulunsad ng mga kinakailangan sa paglilisensya sa retail ng tabako sa buong estado, ay magsisilbing daan upang maprotektahan ang kalusugan ng lahat ng residente ng County ng Washington.”
Karagdagang impormasyon:
- Ordinance 878
- Tobacco, vape and other inhalants
- Preventing youth access to tobacco
- Statewide Tobacco Retail Licensing
Media Contact:
Julie McCloud, Public Affairs & Communications Coordinator503-846-8685
[email protected]